Safety tips na magagamit araw-araw

Iba pang mga bagay na dapat tandaan

1. Mga uri ng gas at gas appliances

Sa Area na ito, may dalawang uring gas: ① City Gas (13A) at ② LP Gas.

Nakalagay sa gas appliances kung ano ang tamang uri ng gas.

Mapanganib kapag hindi tama ang uri ng gas at ng gas appliances.

2. Kapag gagamit ng gas appliances

Dapat may bentilasyon kapag gumagamit ng gas appliances.

Huwag umalis sa may gas stove habang ginagamit ito.

Huwag gamitin ang maliit na water heater bilang shower.

Huwag ilagay ang bagay na madaling masunog sa palibot ng gas appliances.

Kapag nangangamoy ng gas, huwag gamitin ang gas at tumawag sa Toho Gas Network.

Ang nakaka-intindi ng wikang Hapon ay dapat tumawag.

3. Gas valve at mga tubong pangkabit

Sarhan at lagyan ng gomang pantakip ang gas valve kapag hindi ginagamit.

Maaaring maging dahilan ng sunog kung magkakamali at buksan ang gas valve.

Ikonekta ang gas appliances at gas valve sa tamang paraan.

4. Kapag nag-i-install ng gas appliances

Huwag gumawa ng gas plumbing sa sarili dahil magiging dahilan ito ng pagsingaw ng gas.

Pakisuyong tiyaking mag-aplay sa TOHO GAS para sa gas plumbing at pagkabit ng water heater dahil kailangan dito ang propersyonal na tubero sa gas na may lisensya.