Ano ang dapat gawin kapag...

Kapag walang dumadaloy na gas

Maaari ko bang gawin mismo ang pag-reset?
Oo maaari. Kapag tumigil ang pagdaloy ng gas, maaaring gawin ang pag-reset sa gas meter na kontrolado ng microcomputer, Intelligent Gas Meter sa pamamagitan ng sumusunod na pamamaraan.

Paraan ng pag-reset sa Intelligent Gas Meter

Kapag tumigil ang pagdaloy ng gas at kumukurap ang pulang lampara sa Intelligent Gas Meter, sundin ang sumusunod sa pag-reset sa metro.

1. Patayin ang lahat ng kagamitang ginagamitan ng gas

Patayin ang valves sa linya ng gas at gas equipments, o patayin ang operation switch, at isara ang lahat ng kagamitang ginagamitan ng gas. Patayin din ang mga pilot lights.

2. Ang operasyon ng Intelligent Gas Meter 1

Manu-manong iikot ang takip ng reset button pakaliwa at alisin ang takip.

3. Ang operasyon ng Intelligent Gas Meter 2

Dahan-dahang pindutin ang reset button hanggang sa huminto ito at pagkatapos ay bitawan agad.

4. Pagkatapos makumpleto ang pag-reset

Kapag nagsimulang kumurap ang pulang lampara ng metro, ibalik ang takip at maghintay ng mga 3 minutos.
Unti-unting kukurap ang pulang lampara.
Sa panahong ito ay kinukumpirma ng Intelligent Gas Meter kung ligtas itong gamitin. Sa oras na tumigil ang pagkurap ng pulang lampara, maaari nang gamitin ang gas.

Awtomatikong pinapatay ng Intelligent Gas Meter ang gas sa sumusunod na mga kaso.

  • Kapag nagkaroon ng malaking lindol na may seismic intensity 5 o higit pa
  • Ang pagtagas ng malaking volume ng gas
  • Hindi pangkaraniwang paggamit ng gas sa mahabang panahon, tulad ng pagkalimot sa pagpatay ng mga kasangkapang ginagamitan ng gas

    Babala: Hindi nito mapipigilan ang labis na pagkulo ng tubig o pagkasunog ng mga kaldero.

  • Kapag bumaba ang presyon ng gas
  • Kapag bakas lang ng gas ang tumagas, hindi isinasara ng Intelligent Gas Meter ang daloy ng gas, ngunit kukurap ang pulang lampara.
  • Hindi kayang iwasan ng Intelligent Gas Meter ang lahat ng kaso ng pagtagas ng gas at mga aksidente mula sa paggamit ng gas.
  • Hindi nakalaan ang Intelligent Gas Meter para maiwasan ang "sunog mula sa pagluluto ng tempura", na dulot ng sobrang init ng langis na ginagamit sa pag deep-fry ng tempura. Hindi rin ito inilaan para maiwasan ang "aksidenteng pagkalason mula sa combustion ng gas".
  • Hindi kayang pangasiwaan ng Intelligent Gas Meter ang pagtagas ng gas na naganap sa upstream side, gas supply side, ng metro.