Ano ang dapat gawin kapag...

Kapag may naamoy na gas

Ano ang dapat gawin kapag nakaamoy ng gas?
Para sa sariling kaligtasan, sundin nang husto ang sumusunod na mga tagubilin. Ipinagkakaloob ng Toho Gas ang 24 oras na serbisyo para sa emerhensiya!

Kapag may naamoy na gas

1.Kung nakakaamoy ng gas sa sariling tahanan, buksan nang husto ang mga bintana at pintuan. Huwag buksan ang mga bintana at pintuan kung naaamoy ang gas sa labas ng bahay.

Ang natural na gas ay mas magaan kaysa sa hangin, kaya ang pagbubukas ng mga bintana at pintuan ay magkakalat ng gas sa labas ng iyong tahanan.

  • HUWAG gumamit ng anumang bukas na siga o hawakan ang anumang mga switch, kabilang ang mga exhaust fan, fan ng kusina, at mga switch ng ilaw.

2.Pagsasarado ng mga tap ng gas.

HUWAG gumamit ng anumang bukas na siga o hawakan ang anumang mga switch, kabilang ang mga exhaust fan, fan ng kusina, at mga switch ng ilaw.

3.Pagbigay-alam sa Toho Gas

Ipinagkakaloob ng Toho Gas ang 24 oras na serbisyo para sa emerhensiya kaugnay sa mga problema sa gas, 7 araw sa loob ng isang linggo kalakip ang piyesta opisyal. Pakibigay-alam kapag may naamoy na gas sa paligid at kalapit na mga tahanan.

  • Sa pagbigay ng abiso, pakibigay ang sariling pangalan, tirahan, mga palatandaan o landmark sa kapitbahayan pati ang sitwasyon sa lugar mismo kung saan nagkaroon ng pagtagas ng gas.